Huwebes, Setyembre 22, 2016

Barcelona; A love Untold




Image result for Barcelona a love untold poster
Barcelona: A love Untold
Waaaaaaaaaahhhh!  KATHNIEL! BARCELONA! WOOOOOHHH! Nakakakilig sobra! wahhhh! HAHAHAHAHA. "Barcelona is such a beautiful movie", "Best Kathniel film ever!" "Beautiful Story" . Barcelona:A love untold, talga nga namang niyanig ang takilya!

Image result for Barcelona a love untold poster    Ang storya ng Barcelona: A love untold ay hindi ang tipikal na istorya ng isang OFW, ito ay ang buhay ng dalawang tao na nagkatagpo sa isang lugar, ang isa ay naghahanap ng pagmamahal at ang isa naman ay hindi pa tapos magmahal.                                                            
Sinabi ng direktor na si Olivia Lamasan na si Daniel Padilla na nga ang bagong Aga Muhlach ng ating henerasyon at si Kathryn Bernardo ay isang paru-paro na talaga nga namang pagaling ng pagaling.

Ang pelikulang ito ang magbibigay sainyo ng inspirasyon kung paano ba natin tatahakin ang ating buhay sa ibang bansa at kung paano nga ba natin matututunan na magpatawad. Ito ay hindi lamang pampakilig sa mga manonood kundi ito rin ay tumatalakay sa pamilya. 



Ilan lamang iyan sa mga linya na talaga nga namang tatatak sa isip at puso ng bawat manunuod. Mararamdaman mo talaga ang sakit sa bawat bato ng linya, ang saya at pati narin ang pagkamangha sa bawat eksena. 

Talaga nga namang nakaka hook ang pelikulang ito dahil sa taglay nitong kagandahan. Ang mga karakter nito ay talagang kayang kumonekta sa mga manunuod. Mapapatanong ka nalang sa sarili mo habang pinapanauod mo ito, "Storya ko ba itong pinapanuod ko?" dahil sa sobrang makakarelate ka talga dito.

Sa kabilang banda may iba't ibang wika rin na nagamit dito, nandiyan ang Filipino, Ingles, at Espanol. Ano nga ba ang antas ng wika na nagamit dito? Makokonsidera na pambansa ang mga ito dahil naiintindihan ito ng bawat manunuod, sa barayti naman ng wika ay dayalek sapagkat ito ay ginagamit nila sa espesipikong lugar, at sa tungkulin nman ay interaksyonal at personal dahil sa pagpapahayag ng damdamin at pakikipag-usap sa bawat karakter.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento